When you think of pizza, ano unang naiisip mo?
Mahal. Well, hindi naman pambansang food ang pizza. Alam mo yan dahil anjan ang adobo at rice. At kelangan talaga may rice. Dahil Asian tayo. Anodaw?!
Naalala ko way way way back nung kung anu ano na lang na mga pizza jan sa tabi tabi lang ang nabibili ko. Mura lang kasi pero iisa lang ang timpla: ham at ketchup at konting keso. Solb ka na dun. Kebs na kung mejo luma o matigas ang tinapay. Laman tyan din yan. Naalala ko yung tita ko na nakitikim ng pizza na yan,
"masarap sya ha pero matigas ang tinapay." Ano ba alam nya sa matigas na tinapay eh malamang pustiso na gamit nya, lahat ng pagkain matigas na sa kanya hahah.
Sa paglipas ng panahon, unti unting nagsusulputan ang mga fastfood chains. Ngunit dahil mahirap lang kaya pang ispeysyal occasion lang ang pizza. To the point na feeling ko sosyal na ako kung makapagChowking na ako choz. Dumami na rin variations: may thin o thick crust, may stuffed crust, may monster 35" pizza na di lang pangpamilya pang-isports pa, may do it yourself pizza, etc.
Habang nagkakapera eh nagkakaron ka na rin ng chance na makakain mas madalas ng pizza. Yung tipong pizza ng local fastfood jan, yan na hinahanda mo pag bertdeyan. Pero iisipin mo wala naman din pinagkaiba sa natikman mo nang pizza. Thin crust lang. Ham ketchup at cheese pa rin yan. Ilevel up mo pa ng konti ang budget mo eh makakabili ka na nung mga foreign brand na pizza, pero kelangan mo pa may "promo card" na kasama para lang makalibre ka ng isa pang box.
Ganyan naman tayong mga Pinoy. Kung san makakamura go. Kung may libre go. Hindi dahil mahirap tayo. We want to know the worth of our money. Why waste your money on something na mamantika, o maasim, o weird, o pretentious brand lang when we can have something na sulit.
"Mommy, what's sulit?" sabi nung batang tumalo na sa takilya sa Amazing Spider-Man DAW.
"It's getting more than what you pay for." sabi nung Oprah of the Philippines.
Sa hinaba haba ng intro ko, hindi ako nag-eendorse ng rubbing alcohol, o sabong panlaba, o melk. Pizza nga eh di ba?!
May new product line up ang Lots'A Pizza. Lots'A? Di ba yan yung.... Yes sila nga yung nakikita mo sa mga stalls, and kiosks, and foodcourts yes. Bakit wala silang resto? Well, meron naman silang full size restos pero ang focus kasi nila is quick-serve takeout pizzas. Minsan kasi sa mga restos kaya mahal ang food eh kasi you're paying for the ambiance. Kung gusto mo lang tlga eh kumain, by all means kain. Di ka naman finoforce na magstay ka dito at sulitin mo yang PhP 3k steak mo. Budget friendly, Pinoy style. What else would you look for.
Naglaunch ng premium pizzas sila nung April. This is in partnership with Dole Philippines. So what's to expect sa premium? Rectangular shaped sya. What?! Pero pizza should always be circle. Wala naman pizza bible na nagsasuggest na bilog dapat lagi ang pizza. Fact: pizza is Italian for pie. Eh bakit ang peach mango pie rectangle naman choz. Eh bakit di na lang thin crust? Dahil may special parbaked crust sila, crispy na chewy pa. Choosy ka pa?
Three sa mga favorites sa kanila ay nalevelup to premium: Manhattan De Luxe, Hawaiian Extreme, at Pure Beef Supreme. May new flavors din sa classics like Hotdog Festiva, Hungarian Fiesta, and Garden Harvest. Pansinin mo di sila redundant sa naming convention. Lahat yan oozing sa Dole pineapples, as in malulunod ka. At di lang sa pineapples, puno talaga sya ng toppings unlike sa ibang brand jan na bilang kada tidbit. Kahit sa bestsellers nila, na circle na, punung puno rin ng toppings. Sobrang busog, sobrang solb, sobrang sulit. And maybe it's the cheese kaya di ka madaling masusuya sa paglafs nito.
Panalo sa bestsellers ang Hotdog Festiva. Mejo bexy at mahalay lang siguro sa name pero its good. Mapapatanong ka agad, Tender Juicy ba ito? But opkors. Reminiscent ng spaghetti ni mama, the familiar home-cooked Pinoy-style pasta. Anong konek ng pizza sa pasta? It's the feeling, I guess. Yung nostalgia ng lutong bahay.
Anyway, ako na ang di imaginative dahil kapag sinabi mong pineapple eh Hawaiian lang tlga ang naiimagine ko sa pizza. Di naman ako chef. Baka naman next time makagawa na sila ng adobo flakes pasta, bilang Pinoy ang target market nila. Suggestment lang naman. Di naman ako chef.
So sa next time na kumain ka ng Lots'A Pizza, ano unang maiisip mo?
Pure Beef Supreme
Hawaiian Extreme
Manhattan Deluxe
Pepperoni and Mushroom and Hotdog Festiva
Garden Harvest
#lotsapizzaletspizza